Balik sa Dati

Nobyembre 14, 2007

Samu’t Sari

Oktubre 27, 2007

(pagkainip sa biyahe sanhi ng hindi pag-usad ng jeep na aking sinasakyan kaya nailuwal ang kathang ito)

1. Karamihan sa mga pasaherong nakakasabay ko sa jeep, walang manners. Hindi man lang makuhang mag-thank you ‘pag nagpapaabot ng bayad. Wala siguro silang GMRC na subject nung elementary.

2. May mga pasahero din na ang samang makatingin. Yung parang nanghuhubad. At sa maniwala kayo’t sa hindi, mga babae ang karamihan sa kanila.

3. Mas mabilis makatulog ang mga lalake kesa sa mga babae sa jeep. Ewan ko kung bakit. Bakit nga ba?

4. Meron akong nakasabay na lasing sa jeep nung isang araw. Ampotah, sa sobrang kalasingan e humiga na sa upuan. Ginawa pa ‘kong dantayan.

5. Sabi ng kuya ko, ‘wag daw akong matakaw sa babae. Baka dumating daw kasi ang panahon na magsawa ako sa babae at lalake naman ang hanapin ko. Mas natawa ako sa salitang ginamit nya – matakaw. Masyado kasing balahurang pakinggan (lol).

6. Nakakita ka na ba ng pasahero sa jeep na nangungalangot in public? Meron talagang mga tao na abnormal at garapalan kung mag-withdraw ng kayaman sa kaibuturan ng kanilang mga ilong. Tapos biglang ipapahid sa handrail.

Hindi naman kasalanan ang mangulangot, syempre. Walang batas na nagbabawal na mangulangot sa loob ng isang PUV. Pero potah! Konsiderasyon naman!

7. Speaking of kulangot, mai-share ko lang ang isang text message na natanggap ko nung isang araw. (pasintabi po sa mga kumakain)

Anong sabi ng SIPON sa KULANGOT? “Manigas ka dyan!”

E, ng UTOT sa TAE? “Mauna na ‘ko sa ‘yo ha?”

E, ng TAE sa TAE? “Tang-ina, walang TULAKAN. Pila-pila lang!”

8. At napag-uusapan na lang din naman ang tae, anong kamay nga ba ang ginagamit na panghugas ng pwet ng mga kaliwete: kanan o kaliwa?

9. Teka, bakit napunta sa ganitong usapan ang topic sa entry na ‘to?

10. Last week, late akong nakalabas ng office para mag-lunch kaya naman pagdating ko sa canteen, super haba na ng pila. Meron akong nakitang kakilala sa may unahan kaya nilapitan ko at chinika-chika ko ng konti tapos biglang singit.

Mabilis talaga ang karma. Natapunan ako ng isang order na monggo at beef steak nang di sinasadyang matabig ko yung tray nung nasa counter na ako. Badtrip. Buong araw akong hinabol ng langaw.

11. Pinangarap ko din na maging first ever Pinoy F1 driver. Pero guts lang ang meron ako, yung skill ewan.

12. Ayoko sa mga taong drawing.

13. Gusto kong matutong gumamit ng wordpress at macromedia flash. Kaya lang wala namang gustong magturo sa ‘kin. Kawawa naman ako. Buti pa yung mga elepante sa zoo, may mga instructor. (ikumpara daw ba ang sarili sa mga elepante.. lols)

14. Hindi ko inakala na masaya din palang mag-blog. Nakokornihan ako noon, pero ngayon kasama na ako sa mga kinakokornihan ko. Dami ko na din “nakilala” dito. Dami na din ng namula sa mga entries ko. Wa’ ako pake, basta nag-eenjoy ako.

15. Hindi lahat ng entries kinakailangang may sense at kinapupulutan ng aral. Nyahaha! LOLS..

Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ko ang makipagsiksikan sa jeep. Umaga’t gabi, ganito ko sinisimulan at tinatapos ang araw ko. Minsan nakakatuwa, pero madalas minamalas.

Eksaktong P7.50 palagi ang bayad ko. Pagkabayad, tingin-tingin sa mga co-pasaheros looking for magandang chikabebs. ‘Pag wala, diretso tulog. Pero kalimitan, meron.

Sa jeep ako nakatagpo ng iba’t-ibang klase ng babae – may maganda, may chaka, may mestisa, may mestisa pero chaka pa din, may hindi kagandahan pero hanep ang appeal, may jologs, may mabango, meron ding may anghit, may maliit na boobs, may katamtamang boobs, may malaking boobs, at may boobs na pwedeng mapagkamalang pakwan sa sobrang laki.

Pero hindi naman nauubos ang lahat ng oras ko sa byahe sa pagtingin lang sa mga boobs, este sa mga babae. Madami din akong natutunan na mas makabuluhan.

Nalaman ko na hindi normal ang araw ‘pag walang traffic. Bakit? Dahil tuwing Mahal na Araw lang nawawalan ng traffic sa Maynila. Nalaman ko din na mas ma-traffic magbiyahe ng alas-otso ng umaga kesa alas-syete ng umaga. At higit sa lahat, nalaman ko na pwede ka rin palang matuluan ng kung ano sa jeep.

Nung isang gabi, pauwi na ako galing office, may nakatabi akong MAGANDANG binibini. Super beautiful at take note, mabango pa, amoy baby cologne. Pero dahil sa normal ang biyahe (ibig sabihin sobrang traffic), hindi ko napigilan ang aking mga mata na mapapikit.

After ilang minuto, nang halos nasa rurok na ako ng pagkahimbing ay naramdaman ko na biglang may sumandig sa aking balikat. Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang katabi kong ubod ng ganda – nakasandig sa akin.

Naiinis ako kapag may antukin na nakikisandal sa balikat ng may balikat, lalo na kung sa balikat ko. Pero dahil sa gwapa naman yung chikabebs, hinayaan ko na. Balik tulog uli ako, dedma lang.

Ngorkk.. ngorrk..

…nang may kung anong naramdaman ako na animo’y mainit na likido na tumutulo sa aking braso. Nang tingnan ko… Paksyet! Laway pala! Naglaway yung babaeng katabi ko. Pusang gala! Dinamay pa ako.

“Miss, yung laway mo, tumulo sa ‘kin.”

Tawanan ang mga pasahero. Pero yung babae dedma lang. Aba! Hindi man lang pinunasan yung laway nya sa braso ko, o kahit nag-sorry man lang.

Pusang gala talaga! Buti na lang may dala akong tissue noon. Ganon pala ang amoy ng laway ng babaeng amoy baby cologne, amoy datu puti. Naman! Bumaba ako sa jeep na sobrang sama ng loob dahil sa ka-badtripan…

Kalimitan, ganito ang buhay ko bilang isang pasahero. Minsan nakakabagot, minsan parang adbentyur, pero madalas, katulad nga ng sinabi ko, minamalas. Ayos pa rin naman kahit papano. Hangga’t may trabaho, walang sawa akong magiging pasahero.

[para sa mga babaeng amoy baby cologne na sana'y hindi mapikon dito, sa mga jeepney passengers, at sa mga antukin sa biyahe]

Si Boy at ang Mo e Meen

Oktubre 27, 2007

Isang araw, tinawag ng kanyang nanay si Boy, isang batang ngo-ngo.

“Boy, magpunta ka sa tindahan ni Aling Petra at bumili kang isang latang Pork & Beans.”

“Omo, inay,” ang sagot ni Boy.

Pagdating ni Boy sa tindahan ay binati niya ang tindera, “Aning Metra, ngamuta na mo ngayo?” (Kamusta na po kayo?)

“Mabuti naman,” ang sagot ni Petra, “ano ang kailangan mo Boy?”

“Mangmilan nga mo ng inang lata ng Mo e Meen” ang sabi ni Boy.

“Ano kamo, Boy? sabi ni Petra.

“Isa mong Mo e Meen,” ang ulit ni Boy.

“Paki-ulit nga Boy at hindi kita maintindihan.”

“Mo e Meen, Mo e Meen, nyung nata lata.”

“Hindi talaga kita maintindihan. Mabuti pa kaya ay i-spell mo na lang sa akin.”

“O ninge. Mo e Meen. Netter Mi.”

“Letter ‘B’?” Ang tanong ng tindera.

“Ine! Netter Mi as in Minimines.”

“Ha???”

“Mi!” Kinanta ni Boy ang alphabet, “Ey, Mi, Ni, Ni, E, Em, Nyee..En, Em, En, O, Mi”

“Ahhh, P! Letter P!” ang masiglang sagot ni Petra.

“Oo. Mi! Mo e Meen!”

“Sige ituloy mo Boy. ‘P’…”

“Ngo!”

“Ano kamo?”

Kumanta ulit, “Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee… En, Em, En, O”

“Ahhh, titik O! P-O. Sige ituloy mo pa.”

“Netter Arrng!”

“Kantahin mo na lang ulit Boy.”

“Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee… En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng.”

“Ahhh! Letter R. Malapit na. ‘P-O-R’? Anong letter ang susunod?”

“Ngey.”

“Letter A?”

“Ini ho,” sabay buntung-hininga ni Boy. “Ngey! A, Ma, Nga (A-Ba-Ka-Da ang kinanta)! Nga!”

“Ka! Letter ‘K’ ‘P-O-R-K’ Ahhh Pork!!!”

“Oo. Mo e Meen”

“Pork and?” ang tanong ni Petra.

“Oo!! Mo e Meen!!!”

“Pork and Meen? Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!”

“Oo! Oo!! Mo e Meen!! Mo e Meen!!!!” ang masayang sigaw ni Boy.

“Pork and Beans pala ang kailangan mo!!!”

“Oo. Mo e Meen! Menon ngayo? (Meronkayo?)

“Ay, naku wala…”

“Ay, putong malagkit!” Bulalas ko nang biglang may humawak sa ano ko. Pusang-gala, ni wala sa hinagap ko na mangyayari yun sa ‘kin.

Here’s how it happened mga kapatid. Dumaan ako sa National Bookstore last week (naks, hanep sa advertising. bayaran kaya nila ako? hehehe) para bumili ng mga supplies na gagamitin ko sa office (at syempre para mag-private reading na din) nang biglang may humawak sa ano ko. Alam nyo na, yung ano ko. Basta yun na yun, baka ma-sensor pa tayo dito.

Paker talaga. Definitely one of my most unforgettable experiences sa loob ng isang bookstore. Nanlamig ang buong katawan ko, pramis. Ganun pala kapag di mo expected na mangyayari yun. That speaks of the famous cliche “getting caught off guard.” Para akong sanggol na hinawakan ng ano ng wala man lang kalaban-laban.

Curious kayo kung sinong guilty? Hindi ko din kilala actually. Basta isang gurlash (take note ha, totoong gurlash) at mukhang estudyante pa lang. Syempre, super sorry ang ineng habang super tawa naman yung mga kasama nya, and this is what made it even more humiliating, thinking nga na may mga nakakita. Akala nya daw kasi ako yung “bads” na kasama nya. Heller?! At ang sweet naman ng batian nila, hipuan ng ano.

I’m not mad. Really. I just felt that I was humiliated.. disgraced.. dishonored! Joke lang. Hehehe. Sabi ko na lang habang super sorry yung babae foul yun miss, below the belt ka. Hindi pwedeng hindi ako makakaganti. Isa pang joke ‘to, ‘wag kayong maniniwala. Hehe..

P.S.

I’m currently making a recommendation sa Congress na gawing krimen ang paghawak ng ano ng walang paalam. It’s a clear case of trespassing and intrusion of privacy!